2 Chronicles 33:11
Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Nakipag-usap si Yahweh kay Manases, at sa kaniyang mga tao; ngunit hindi nila pinakinggan.
Cross References
Deuteronomy 28:36Dadalhin kayo ni Yahweh at ang hari na ilalagay ninyo sa inyong itaas sa isang bansa na hindi ninyo kilala, kahit kayo ni ng inyong mga ninuno; sasambahin ninyo doon ang ibang mga diyus-diyosan na kahoy at bato.
2 Kings 20:18At ang mga anak na lalaki na nanggaling sa iyo, na ikaw mismo ang nag-alaga—dadalhin nila palayo, at sila ay magiging mga eunoko sa palasyo ng hari ng Babilonia.'”
2 Kings 25:6Binihag nila ang hari at dinala siya sa hari ng Babilonia sa Ribla, kung saan hinatulan siya nila.
2 Chronicles 36:6At nilusob siya ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at iginapos siya ng kadena upang dalhin sa Babilonia.
Nehemiah 9:37Ang masaganang ani mula sa aming mga lupain ay napupunta sa mga hari na iyong itinakda para sa amin dahil sa aming mga kasalanan. Sila ang namamahala sa aming mga katawan at sa aming mga alagang hayop ayon sa kanilang kagustuhan. Kami ay nasa labis na pagdurusa.
Job 36:8Gayunman kapag nakagapos sila sa kadena, at kung nahuli sila ng mga lubid ng paghihirap,