1 Chronicles 9:33
Nanirahan ang mga mang-aawit at pamilya ng pinuno ng mga Levita sa mga silid sa templo kapag wala silang gawain, dahil kailangan nilang gampanan ang kanilang mga naitakdang tungkulin sa araw at gabi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 15:16Kinausap ni David ang mga pinuno ng Levita upang italaga ang kanilang mga kapatid na tumugtog ng mga instrumentong pangmusika, instrumentong may mga kuwerdas, mga alpa at mga pompiyang, tumugtog ng malakas at masayang itataas ang kanilang mga tinig.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito:
Nehemiah 11:17Doon si Matanias na anak ni Mica na anak ni Zabdi, mula sa kaapu-apuhan ni Asaf, ang tagapangasiwa na nanguna sa panalangin ng pagpapasalamat, at si Bakbukuias, na pangalawa sa kaniyang mga kasamahan, at si Abda na anak ni Samua na anak ni Galal na anak ni Jeduthun.
Psalms 134:1Halikayo, pagpalain si Yawheh, lahat kayong mga lingkod ni Yahweh, kayong mga naglilingkod sa tahanan ni Yahweh tuwing gabi.