1 Juan 2:16
Pagkat ang lahat ng nasa sa mundo - ang kahalayan ng laman, ang kahalayan ng mata, at ang kahambugan sa buhay - ay hindi sa Ama pero sa mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:2na nakita ng mga anak na lalaki ng Diyos na kaakit-akit ang mga anak na babae ng sangkatauhan. Kumuha sila ng mga asawa para sa kanilang sarili, kahit sino sa kanila na mapili nila.
Numbers 11:34Pinangalanan ang lugar na iyon na Kibrot-hataava dahil doon nila inilibing ang mga taong nanabik sa karne.
Esther 1:3Sa ikatlong taon ng kanyang paghahari, nagbigay siya ng isang pista sa lahat ng kanyang mga opisyal at kanyang mga lingkod. Ang hukbo ng Persia at Media, ang magigiting na mga lalaki, ang mga gobernador ng mga lalawigan ay nasa kanyang harapan.
Psalms 73:6Ang pagmamalaki ay nagpapaganda sa kanila na tulad ng kwintas na nakapalibot sa kanilang leeg; dinadamitan sila ng karahasan tulad ng balabal.
Psalms 78:30Pero hindi pa rin sila nabusog; ang kanilang pagkain ay nasa mga bibig pa rin nila.
Proverbs 6:25Huwag kang magnasa sa iyong puso sa kaniyang kagandahan, at huwag mo siyang hayaang mabihag ka ng kaniyang mga pilik mata.