Genesis 6:2
na nakita ng mga anak na lalaki ng Diyos na kaakit-akit ang mga anak na babae ng sangkatauhan. Kumuha sila ng mga asawa para sa kanilang sarili, kahit sino sa kanila na mapili nila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 4:26Si Set ay nagkaroon ng anak na lalaki at tinawag niya itong Enos. Sa panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh.
Genesis 24:3at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan.
Genesis 27:46Sinabi ni Rebeca kay Isaac, “Ako ay pinanghihinaan sa buhay dahil sa mga anak na babae ni Heth. Kung kunin ni Esau na asawa ang isa sa mga anak ni Heth, tulad ng mga kababaihang ito, ilan sa mga anak na babae ng lupain, ano pa ang kabuluhan ng buhay ko?”
Exodus 4:22Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay,
Deuteronomy 7:3Ni naisin ninyo na makipag-ayos ng kasal sa kanila; hindi ninyo ibibigay ang inyong mga anak na mga babae sa kanilang mga anak na lalaki, at hindi ninyo kukunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki.
Joshua 23:12Pero kung tatalikod kayo at kakapit sa mga nakaligtas sa mga bansang ito nanatiling kasama ninyo, o kung kumuha ng asawa mula sa kanila, o kung makikisama kayo sa kanila at sila sa inyo,