1 John 2:22
Sino ang sinungaling kundi siyang ikinakaila na si Jesus ay ang Cristo? Ang taong ito ang antikristo, dahil sa kinakaila niya ang Ama at ang Anak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
John 8:44Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
1 John 1:6Kung sinasabi natin na tayo ay mayroong pakikisama sa Kanya at lumalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi isinasagawa ang katotohanan.
1 John 2:18Mga bata, ito na ang huling oras. Gaya nang narinig ninyo na ang antikristo ay darating, kahit ngayon ay may marami nang mga antikristong dumating, sa pamamagitan nito nalalaman nating ito na ang huling oras.
1 John 4:3at bawat espiritu na hindi kinikilala si Jesus ay hindi sa Diyos. Ito ang espiritu ng antikristo, na inyong narinig na darating, at ngayon ay nasa mundo na.
2 John 1:7Sapagkat maraming manlilinlang ang naglipana sa mundo, at hindi nila ipinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman. Ito ay ang manlilinlang at ang anticristo.
Revelation 3:9Bantayan ninyo! Sila na siyang nabibilang sa sinagoga ni Satanas, sila na siyang nagsabing na sila ay mga Judio pero hindi, — sa halip sila ay nagsisinungaling. Palalapitin ko sila at payuyukuin ko sa harap ng inyong mga paa, at malalaman nila na minahal ko kayo.