John 8:44
Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
45Subalit, dahil nagsasalita ako ng katotohanan hindi kayo naniniwala.
Cross References
Genesis 3:3pero tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, “Hindi ninyo maaaring kainin ito, ni hindi ninyo ito maaaring hawakan, o mamamatay kayo.'”
Genesis 4:8Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito.
1 Chronicles 21:1Lumitaw ang isang kaaway laban sa Israel at inudyukan si David na bilangin ang mga tao sa Israel.
2 Chronicles 18:21Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang sinungaling na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Ikaw ang mag-uudyok sa kaniya at magtatagumpay ka. Pumunta ka na ngayon at gawin mo.'
Job 2:4Sumagot si Satanas kay Yahweh at sinabing, “Balat sa balat naman; kayang ibigay ng tao ang lahat-lahat ng pag-aari niya para lamang siya mabuhay.
John 6:70Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko ba kayo pinili, na Labindalawa, at ang isa sa inyo ay isang diyablo?”