1 John 2:5
Pero ang sinumang pinapanatili ang kaniyang salita, tunay na sa taong ito ang pag-ibig ng Diyos ay naging lubos. Sa pamamagitan nito alam nating tayo ay nasa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 106:3Mapalad silang gumagawa ng tama, at laging makatuwiran ang mga gawa.
Psalms 119:4Inutusan mo kaming ingatan ang iyong mga tagubilin para masunod namin ito nang mabuti.
Proverbs 8:32At ngayon, aking mga anak na lalaki, makinig kayo sa akin, dahil silang mga nananatili sa aking mga pamamaraan ay magiging masaya.
Ecclesiastes 8:5Sinumang sumusunod sa mga utos ng hari ay lumalayo sa kapahamakan. Ang isang matalinong puso ng tao ay nakikilala ang nararapat na landas at oras ng pagkilos.
Luke 11:28Ngunit sinabi niya, “Higit pa na pinagpala ang mga nakarinig ng salita ng Diyos at iningatan ito.”
John 14:21Ang sinuman na mayroon ng aking mga kautusan at isinasagawa ang mga ito; siya ang nagmamahal sa akin; at siya na nagmamahal sa akin ay mamahalin ng aking Ama, at mamahalin ko rin siya, at ipakikita ko sa kaniya ang aking sarili.”