1 John 3:22
At anuman ang hihilingin natin, matatanggap natin mula sa kanya, dahil pinanatili natin ang kanyang mga kautusan at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang paningin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Mga minamahal, kapag hindi tayo isinisumpa ng mga puso natin, may kapanatagan tayo sa Diyos.
Cross References
Psalms 10:17Yahweh, narinig mo ang mga pangangailangan ng mga api; pinalalakas mo ang kanilang puso, pinakikinggan mo ang kanilang panalangin;
Psalms 34:15Ang mga mata ni Yahweh ay nasa mga matutuwid, at sa kanilang mga iyak nakatuon ang kaniyang pandinig.
Psalms 66:18Kung alam kong may kasalanan sa aking puso, hindi makikinig ang Diyos sa akin.
Proverbs 15:29Si Yahweh ay malayo sa mga masasamang tao, pero naririnig niya ang panalangin ng mga gumagawa ng tama.
Isaiah 1:15Kaya sa tuwing itinataas ninyo ang mga kamay ninyo, tinatago ko ang mga mata ko sa inyo; kahit na nag-alay kayo ng maraming panalangin, hindi ako makikinig; puno ng dugo ang mga kamay ninyo.
Jeremiah 29:12At tatawag kayo sa akin, pupunta kayo at mananalangin sa akin, at pakikinggan ko kayo.