1 John 5:9
Kung tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ang patotoo ng Diyos ay mas dakila. Sapagkat ang patotoo ng Diyos ay ito- na siya'y nagdala ng patunay patungkol sa kanyang Anak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakasundo.
Cross References
Matthew 3:16Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya.
John 3:32Nagpapatotoo siya kung ano ang kaniyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap sa kaniyang patotoo.
John 5:39Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin,
John 10:38“Subalit, kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi kayo manampalataya sa akin, maniwala kayo sa mga gawain upang malaman ninyo at maunawaan na ang Ama ay nasa sa akin at ako ay nasa sa Ama.”
Acts 17:31Ito ay dahil itinakda na niya ang araw kung kailan niya hahatulan ang mundo sa katuwiran sa pamamagitan ng taong kaniyang pinili. Pinatunayan ito ng Diyos sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya sa mga patay.”
Hebrews 6:18Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi nababago, na kung saan hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayo na nagsitakas para magpakupkop ay magkaroon ng matatag na lakas ng loob upang matibay na panghawakan ang pagtitiwala na inilagay sa ating harapan.