Mga Hebreo 6:18
Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na hindi nababago, na kung saan hindi maaaring magsinungaling ang Diyos, tayo na nagsitakas para magpakupkop ay magkaroon ng matatag na lakas ng loob upang matibay na panghawakan ang pagtitiwala na inilagay sa ating harapan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 23:19Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
Joshua 20:3Gawin ito para makapunta doon ang isang tao na nakapatay nang hindi sinasadya. Ang mga lungsod na ito ay magiging isang lugar ng kanlungan mula sa sinumang naghahangad para sa paghihiganti sa dugo ng isang tao na pinatay.
1 Kings 2:28Dumating ang balita kay Joab, dahil sinuportahan ni Joab si Adonias, pero hindi niya sinuportahan si Absalom. Kaya pumunta si Joab sa tolda ni Yahweh at kinuha ang mga sungay sa altar.
Psalms 62:8Magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng oras, kayong mga tao; ibuhos ninyo ang inyong puso sa kaniyang harapan; kanlungan natin ang Diyos. Selah
Proverbs 3:18Siya ay isang puno ng buhay sa mga humahawak dito, ang mga kumakapit dito ay masasaya.
Isaiah 27:5kung hahawakan nila ng maiigi ang aking pag-iingat at makipag kasundo sa akin; hayaan silang makipag kasundo sa akin.