1 Pedro 3:20
Sila ay ayaw sumunod noong ang Diyos ay matiyagang naghihintay sa panahon ni Noe, sa mga araw ng ginagawa ang arko, at nagligtas ang Diyos ng iilang tao—walong kaluluwa—sa baha.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
19Sa espiritu, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritu na ngayon ay naka-bilanggo.
Cross References
Genesis 6:5Nakita ni Yahweh ang labis na kasamaan ng sangkatauhan sa mundo, at ang bawat pagkahilig ng kanilang puso ay patuloy na kasamaan lamang.
Genesis 7:13Sa araw ding iyon si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, na sina Sem, Ham, at Jafet, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay kasama niyang pumasok sa arka.
Genesis 8:1Isinaalang-alang ng Diyos si Noe, lahat ng mga mababangis na hayop, at lahat ng alagang mga hayop na kasama niya sa arka. Ginawa ng Diyos na umihip ang isang hangin sa ibabaw ng mundo, at nagsimulang humupa ang tubig.
Isaiah 30:18Gayunman naghihintay si Yahweh na maging mapagbigay-biyaya sa inyo. Kaya nga siya ay itataas, handa na bigyan kayo ng awa. Dahil si Yahweh ay isang Diyos ng katarungan; pinagpala ang lahat na naghihintay sa kanya.
Matthew 24:37Katulad sa kapanahunan ni Noe, ganoon din ang pagparito ng Anak ng Diyos.
Luke 13:24“Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan, dahil marami ang susubok ngunit hindi sila makakapasok.