Genesis 8:1
Isinaalang-alang ng Diyos si Noe, lahat ng mga mababangis na hayop, at lahat ng alagang mga hayop na kasama niya sa arka. Ginawa ng Diyos na umihip ang isang hangin sa ibabaw ng mundo, at nagsimulang humupa ang tubig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Ang mga bukal sa ilalim at ang mga bintana ng langit ay nagsara, at tumigil ang pag-ulan.
Cross References
Genesis 19:29Kaya matapos wasakin ng Diyos ang mga lungsod sa kapatagan, naalala ng Diyos si Abraham. Inilabas niya si Lot mula sa gitna ng kapahamakan ng winasak niya ang mga lungsod kung saan nanirahan si Lot.
Exodus 2:24Nang marinig ng Diyos ang kanilang mga daing, inalala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
Numbers 22:32Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo hinampas nitong tatlong beses ang iyong asno? Tingnan mo, naparito ako bilang isang taong galit sa iyo dahil masama ang mga ikinikilos mo sa harapan ko.
Nehemiah 13:14Alalahanin mo ako, aking Diyos, tungkol dito, at huwag niyo ng burahin ang mga ginawa kong magaganda para sa tahanan ng aking Diyos at ang mga pakinabang nito.
Nehemiah 13:29Alalahanin mo ang mga ito, aking Diyos, dahil sa nilapastangan nila ang kaparian, at ang tipan ng kaparian at ang mga Levita.
Job 12:15Masdan mo, kung pinipigil niya ang mga tubig, natutuyo ang mga ito, at kung pakakawalan ang mga ito, natatabunan nila ang lupain.