1 Samuel 12:21
Huwag kayong tumalikod pagkatapos ng mga walang kabuluhang bagay na hindi mapapakinabangan o makakapagligtas sa inyo, dahil ang mga ito ay walang silbi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 30:17Pero kung ang inyong puso ay tumalikod at hindi kayo nakinig sa halip ay lumayo at nagpatirapa pababa sa ibang mga diyus-diyosan at sasambahin sila,
2 Kings 17:15Tinanggihan nila ang kaniyang kautusan at ang tipang ginawa sa pagitan niya at kanilang mga ninuno, at mga utos sa tipan na kaniyang binigay sa kanila. Sinunod nila ang mga walang kabuluhang kaugalian at maging sila mismo ay naging walang kabuluhan. Sinundan nila ang mga paganong bansang nakapaligid sa kanila, silang pinag-utos na Yahweh na huwag gagayahin.
Isaiah 41:23Magsabi kayo ng mga bagay tungkol sa hinaharap, para malaman natin kung kayo ay mga diyos; gumawa kayo ng mabuti o masama, para kami ay matakot at mapabilib.
Isaiah 44:9Silang nagbibigay anyo sa diyus-diyosan ay walang halaga; at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; ang kanilang mga saksi ay hindi nakakikita o nakakaalam ng anumang bagay, at sila ay malalagay sa kahihiyan.
Isaiah 46:7Pinapasan nila ito sa balikat at dinadala nila ito; inilalagay ito sa kaniyang lugar, at ito ay nakatayo sa kaniyang lugar at hindi gumagalaw mula dito. Tumatawag sila dito, gayun man hindi ito makakasagot ni makapagliligtas ng sinuman sa kanilang kaguluhan.
Jeremiah 2:13Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukal na nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sa kanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!