Isaiah 46:7
Pinapasan nila ito sa balikat at dinadala nila ito; inilalagay ito sa kaniyang lugar, at ito ay nakatayo sa kaniyang lugar at hindi gumagalaw mula dito. Tumatawag sila dito, gayun man hindi ito makakasagot ni makapagliligtas ng sinuman sa kanilang kaguluhan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Tandaan ninyo ang mga bagay na ito; huwag ninyo itong balewalain, kayong mga suwail!
Cross References
Judges 10:12at gayundin mula sa mga Sidonia? Inapi kayo ng mga Amalekita at mga Maonita; tumawag kayo sa akin, at iniligtas ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan.
1 Samuel 5:3Nang nagising nang maaga sa sumunod na araw ang mga tao ng Asdod, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Kaya kinuha nila ang Dagon at inilagay siyang muli sa kanyang lugar.
1 Kings 18:29Lumipas ang tanghaling tapat, at sila ay nahihibang pa rin hanggang sa oras ng pag-aalay handog na pang gabi, pero walang boses o sinumang sumasagot; wala kahit sino ang nagbigay pansin sa kanilang mga pagsusumamo.
Isaiah 37:38Kalaunan, habang siya ay nagpupuri sa tahanan ng kanyang diyos na si Nisroc, pinatay siya ng kanyang mga anak na si Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos sila ay nagtago sa lupain ng Ararat. Tapos ang kanyang anak si Esarhadon ang naghari kapalit niya.
Isaiah 45:20Tipunin ang inyong mga sarili at lumapit! Magsama-sama kayong mga nakasumpong ng kanlungan mula sa mga bansa! Sila ay walang nalalaman, sila na nagdadala ng larawang inukit at nanalangin sa mga diyos na hindi nakapagliligtas.
Jeremiah 2:28Ngunit nasaan ang mga diyos na inyong ginawa para sa inyong mga sarili? Patayuin ninyo sila kung nais nila kayong iligtas sa oras ng inyong mga kaguluhan, sapagkat kasindami ng inyong diyos ang inyong mga lungsod, oh Juda!