2 Samuel 6:21
Sumagot si David kay Mical, “Ginawa ko iyon sa harapan ni Yahweh, na pinili niya ako na mas mataas sa iyong ama at mataas sa lahat ng kaniyang pamilya, na itinalaga ako maging pinuno ng buong tao ni Yahweh, sa buong Israel. Sa harapan ni Yahweh magagalak ako!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 13:14Subalit ang iyong pamumuno ngayon ay hindi na magpapatuloy. Humanap si Yahweh ng isang taong masunurin sa kanya, at hinirang siya ni Yahweh upang maging prinsipe ng kanyang mga tao, dahil hindi mo sinunod kung ano ang kanyang inutos sa iyo.”
1 Samuel 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
2 Samuel 5:2Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''
2 Samuel 6:14Sumayaw si David sa harapan ni Yahweh nang ng kaniyang buong kalakasan; nagsuot lamang siya ng isang linong epod.
1 Chronicles 15:29Ngunit nang paparating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana ang babaeng anak ni Saul na si Mical. Nakita niya si Haring David na sumasayaw at nagdiriwang. At kinamuhian niya si Haring David sa kaniyang puso.
Psalms 89:19Matagal na ang nakalipas nang nagsalita ka sa matatapat sa iyo sa pamamagitan ng pangitain; sinabi mo, “Pinatungan ko ng korona ang isang taong magiting; humirang ako mula sa mga tao.