1 Samuel 2:35
Magtataas ako para sa aking sarili ng isang tapat na pari na gagawa kung ano ang nasa aking puso at nasa aking kaluluwa. Gagawan ko siya ng isang tiyak na bahay; at lalakad siya sa harapan ng aking hinirang na hari magpakailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:21Dahil may takot ang mga komadrona sa Diyos, binigyan sila ng kanilang sariling pamilya.
1 Samuel 12:3Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo.”
1 Samuel 25:28Pakiusap patawarin ang pagkakasala ng iyong lingkod, dahil tiyak na gagawan ni Yahweh ang aking panginoon ng isang bahay, dahil nakikipaglaban ang aking panginoon sa labanan ni Yahweh, at hindi makikita ang kasamaan sa iyo habang nabubuhay ka.
2 Samuel 7:27Para sa iyo, Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ibinunyag mo sa iyong lingkod na gagawan mo siya ng isang tahanan. Kaya nga ako, na iyong lingkod, nakatagpo ng lakas ng loob para manalangin sa iyo.
1 Kings 1:45Pinahiran siya ng langis bilang hari nila Sadoc na pari at Nathan ang propeta sa Gihon, at nagsaya mula roon, kaya napakaingay ng lungsod. Ito ang ingay na narinig mo.
1 Kings 11:38Kung pakikinggan mo ang lahat na aking ipag-uutos sa iyo, at kung lalakad ka sa aking mga landas, at kung gagawin mo kung ano ang mabuti sa aking paningin, para ingatan ang mga tuntunin at mga kautusan, gaya ng ginawa ng aking lingkod na si David, sa gayon ay sasamahan kita at ipagtatayo kita ng totoong tahanan, gaya ng itinayo ko para kay David, at ang Israel ay ibibigay ko sa iyo.