1 Samuel 20:13
Kung makakalugod sa aking ama na saktan ka, gawin nawa ni Yahweh kay Jonatan at mas higit pa din kung hindi ko ipapaalam ito sa iyo at papaalisin kita, upang makahayo ka nang payapa. Sumaiyo nawa si Yahweh, gaya ng kasama niya ang aking ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ruth 1:17Kung saan ka mamamatay, doon ako mamamatay at doon din ako ililibing. Nawa parusahan ako ni Yahweh, at kahit higit pa, kung anuman pero kamatayan kailanman ang magpahiwalay sa atin.
1 Samuel 10:7Ngayon, kapag dumating sa iyo ang mga palatandaang ito, gawin mo anumang masumpungang gawin ng iyong kamay, sapagkat kasama mo ang Diyos.
1 Samuel 14:47Nang magsimula si Saul na mamuno sa Israel, nakipaglaban siya sa lahat ng kanyang mga kaaway sa bawat panig. Nakipaglaban siya sa Moab, sa mga tao ng Ammon, Edom, sa mga hari ng Zobah, at sa mga Filisteo. Saan man siya bumaling, nagpatupad siya ng parusa sa kanila.
1 Samuel 18:12Natakot si Saul kay David, dahil kasama niya si Yahweh, ngunit hindi na kasama ni Saul.
2 Samuel 3:35Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw.”
2 Samuel 19:13At sabihin kay Amasa, 'Hindi ba ikaw ang aking laman at aking buto? Gagawin sa akin ng Diyos, ng higit pa, kapag hindi ikaw ang kapitan ng aking hukbo mula ngayon sa lugar ni Joab.'”