2 Mga Cronica 10:14
Nakipag-usap siya sa kanila na sinunod ang payo ng mga kabataang lalaki at sinabi, “Gagawin kong mas mabigat ang inyong mga pasanin at dadagdagan ko pa ito. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 10:10Nagsalita ang mga kabataang lalaki na kasabayang lumaki ni Rehoboam na nagsasabi, “Makipag-usap ka sa mga taong nagsabi sa iyo na ginawang mabigat ng iyong amang si Solomon ang kanilang mga pasanin, na kailangan mong gawing mas magaan. Dapat mong sabihin sa kanila, 'Mas makapal ang aking hinliliit kaysa sa baywang ng aking ama.
Proverbs 12:5Ang mga balakin ng lahat ng gumagawa ng tama ay makatarungan, ngunit ang payo ng masasama ay mapanlinlang.
Ecclesiastes 2:19At sino ang nakakaalam kung siya ay magiging matalinong tao o isang mangmang? Gayunman siya ay magiging panginoon sa lahat ng bagay sa ilalim ng araw kung saan naitayo ang aking gawa at naitatag ang aking karunungan. Ito rin ay usok.
Ecclesiastes 10:16Mayroong gulo sa inyong lupain kapag bata pa ang inyong hari, at ang mga pinuno ninyo ay magdiriwang sa umaga!
James 3:14Ngunit kung mayroon kayong mapait na paninibugho at makasariling hangarin sa inyong puso, huwag kayong magmayabang at magsinungaling laban sa katotohanan.