2 Mga Cronica 10:15
Hindi nakinig ang hari sa mga tao, sapagkat ito ang isang pangyayaring pinahintulutan ng Diyos, upang matupad ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 14:4Pero hindi alam ng kaniyang ama at ina na ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh, dahil ninais niyang magkaroon ng alitan ang mga Palestino (sapagkat sa panahon na iyon ang mga Palestino ang namumuno sa Israel).
2 Samuel 17:14Pagkatapos sinabi ni Absalom at ng kalalakihan ng Israel, “Mas mabuti ang payo ni Cusai ang Arkite kaysa kay Ahitofel.” Itinalaga ni Yahweh ang pagtanggi sa mabuting payo ni Ahitofel para magdala ng kapahamakan kay Absalom.
1 Kings 11:31Sinabi niya kay Jeroboam, “kumuha ka ng sampung piraso, dahil si Yahweh na Diyos ng Israel, sinasabi niya, 'Pagmasdan mo, pipilasin ko ang kaharian at aalisin sa kamay ni Solomon, at ibibigay ko ang sampung lipi sa iyo
1 Kings 12:24'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi ninyo dapat nilulusob o nilalabanan ang inyong mga kapatid na bayang Israel. Bawat lalaki ay dapat magbalik sa kaniyang tahanan, dahil kalooban ko na mangyari ang bagay na ito.”' Kaya nakinig sila sa salita ni Yahweh at bumalik at nagpunta sa kani-kanilang daan, at sinunod nila ang kaniyang salita.
2 Chronicles 9:29Ang iba pang mga pangyayari tungkol kay Solomon mula sa simula hanggang sa wakas, hindi ba ito nakasulat sa Kasaysayan ni Propeta Natan at sa Pahayag ni Ahias na taga-Shilo at sa mga Pangitain ni Propeta Iddo tungkol kay Reboam na anak ni Nebat?
2 Chronicles 25:16At nangyari na habang kinakausap siya ng propeta, sinabi sa kaniya ng hari, “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? Tumigil ka. Bakit ka kailangan patayin?” At tumigil ang propeta at sinabi, “Alam kong nagpasya ang Diyos na wasakin ka dahil ginawa mo ito at hindi ka nakinig sa aking payo.”