2 Mga Cronica 10:16
Nang makita ng mga taga-Israel na hindi nakinig ang hari sa kanila, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Bumalik na kayong mga taga-Israel sa inyong mga tolda. Ngayon David, bahala ka ng tumingin sa iyong sariling tolda.” Kaya, bumalik na ang bawat isa sa mga Israelita sa kanilang mga tolda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Ngunit ang mga taga-Israel na nakatira sa mga lungsod ng Juda, pinamunuan sila ni Rehoboam.
Cross References
1 Samuel 20:27Ngunit sa ikalawang araw, ang araw matapos ang bagong buwan, walang nakaupo sa upuan ni David. Sinabi ni Saul sa kanyang anak na lalaking si Jonatan, “Bakit hindi dumating sa kainan ang anak na lalaki ni Jesse, maging kahapon o ngayon?”
1 Samuel 22:7Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod na nakatayo sa paligid niya, “Makinig kayo ngayon, bayan ng Benjamin! Makakapagbigay ba ang bawat isa sa inyong anak na lalaki ni Jesse ng mga bukirin at mga ubasan? Magagawa ba niyang gawin kayong lahat na mga kapitan ng libo-libo at kapitan ng daan-daan,
1 Samuel 22:13Sinabi ni Saul sa kanya, “Bakit ka nagtangka laban sa akin, ikaw at ang anak na lalaki ni Jesse, sa ginawa mong pagbibigay sa kanya ng tinapay at isang espada at nanalangin sa Diyos na tulungan nawa siya para lumaban sa akin para magtago sa lihim gaya ng ginawa niya ngayon?”
2 Samuel 15:13Isang mensahero ang dumating kay David na nagsasabing, “Sumusunod kay Absalom ang mga puso ng kalalakihan ng Israel.”
2 Samuel 20:1Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, “Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel.”
1 Kings 11:34Ngunit, hindi ko aalisin ang buong kaharian sa kamay ni Solomon. Sa halip, gagawin ko siyang hari sa lahat ng araw ng kaniyang buhay, alang-alang sa aking lingkod na si David na aking pinili, na siyang nag-ingat sa aking mga kautusan at mga tuntunin.