2 Mga Cronica 14:1
Namatay si Abias at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David. Ang kaniyang anak na si Asa ang naging hari. Sa kaniyang kapanahunan, mapayapa ang lupain nang sampung taon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Ginawa ni Asa ang mabuti at matuwid sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos,
Cross References
Joshua 23:1At pagkatapos ng maraming araw, nang mabigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila, napakatanda na ni Josue.
1 Kings 14:31Kaya humimlay si Rehoboam kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. Si Abias na kaniyang anak na lalaki ang naging hari na kaniyang kahalili.
1 Kings 15:9Sa ika-dalawampung taon ni Jeroboam, hari ng Israel, si Asa ay nagsimulang mamuno sa Juda.
1 Chronicles 3:10Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam. Ang anak ni Rehoboam ay si Abia. Ang anak ni Abia ay si Asa. Ang anak ni Asa ay si Jehoshafat.
2 Chronicles 21:12Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda,
Matthew 1:7Si Solomon ang ama ni Rehoboam, si Rehoboam ang ama ni Abias, si Abias ang ama ni Asa.