2 Mga Cronica 15:11
Nang araw na iyon, inihandog nila kay Yahweh ang ilan sa kanilang mga nasamsam: pitong daang baka at pitong libong tupa at mga kambing ang kanilang dinala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 31:28At magpataw ng buwis para ibigay sa akin mula sa mga kawal na nagpunta sa labanan. Ang buwis na ito ay dapat isa sa bawat limandaan, maging mga tao, baka, asno, tupa o kambing.
1 Samuel 15:15Sumagot si Saul, “Dinala nila ang mga ito mula sa mga Amalek. Sapagkat itinira ng mga tao ang pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ialay kay Yahweh na iyong Diyos. Ang natitira ay ganap naming winasak.”
1 Chronicles 26:26Sina Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ang namamahala sa lahat ng mga bahay-imbakan kung saan nakatago ang mga bagay na pag-aari ni Yahweh, na inilaan ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, at ng mga pinuno ng mga hukbo kay Yahweh.
2 Chronicles 7:5Naghandog ng alay si Haring Solomon ng dalawampung libong mga baka at 120, 000 na mga tupa at mga kambing. Kaya inihandog ng hari at ng lahat ng mga tao ang tahanan ng Diyos.
2 Chronicles 14:13Hinabol sila ni Asa at ang kaniyang mga kawal hanggang Gerar. Kaya marami sa mga taga-Etiopia ang namatay at ang iba ay hindi na nakabawi pa, dahil lubos silang nawasak sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang hukbo. Marami ang nasamsam ng hukbo.