2 Chronicles 7:5
Naghandog ng alay si Haring Solomon ng dalawampung libong mga baka at 120, 000 na mga tupa at mga kambing. Kaya inihandog ng hari at ng lahat ng mga tao ang tahanan ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Kaya naghandog ang hari at ang lahat ng tao ng mga alay kay Yahweh.
Cross References
1 Kings 8:62Kaya ang hari at lahat ng Israelitang kasama niya ay naghandog ng mga alay kay Yahweh.
2 Chronicles 1:6Pumunta si Solomon doon sa altar na tanso sa harapan ni Yahweh, na naroon sa toldang tipanan at naghandog dito ng isang libong sinunog na mga alay.
2 Chronicles 5:6Si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng Israel ay nagtipon sa harapan ng kaban, na nag-aalay ng mga tupa at mga baka na hindi mabilang.
2 Chronicles 29:32Ang bilang ng mga handog na susunugin na dinala ng kapulungan ay pitumpung lalaking baka, isandaang lalaking tupa at dalawandaang lalaking kordero. Lahat ng mga ito ay para sa alay na susunugin para kay Yahweh.
2 Chronicles 35:7Nagbigay si Josias sa lahat ng taong naroon ng tatlumpung libong tupa at mga batang kambing mula sa mga kawan para sa mga handog para sa Paskwa. Nagbigay din siya ng tatlong libong toro, ang mga ito ay mula sa mga pagmamay-ari ng hari.
Ezekiel 45:17Magiging tungkulin ng prinsipe na magbigay ng mga hayop para sa mga alay na susunugin, mga handog na butil, mga handog na inumin sa mga pagdiriwang at ang mga pagdiriwang ng Bagong Buwan, at sa mga Araw ng Pamamahinga—sa lahat ng mga itinakdang pagdiriwang ng sambahayan ng Israel. Magbibigay siya ng mga handog dahil sa kasalanan, mga handog na butil, mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan para sa kabayaran sa kapakanan ng sambahayan ng Israel.