2 Chronicles 15:13
Nagkasundo sila na dapat ipapatay ang sinumang tumangging hanapin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Hamak man o dakila ang taong ito, lalaki man o babae.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Nangako sila kay Yahweh nang may malakas na tinig, may sigawan, may mga trumpeta at may mga tambuli.
Cross References
Exodus 12:29Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
Exodus 22:20Sinumang magsasakripisyo sa anumang diyos maliban kay Yahweh ay dapat ganap na wasakin.
Deuteronomy 17:2Kung mayroong matagpuan sa inyo, kahit saan sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, sinumang lalaki o babae na gumagawa ng masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos at lumalabag sa kaniyang kautusan—
1 Kings 18:40Kaya sinabi ni Elias sa kanila, “Dalhin ninyo ang mga propeta ni Baal. Huwag hayaang makatakas ni isa sa kanila”’ Kaya kinuha sila, at dinala ni Elias ang mga propeta ni Baal sa ibaba ng batis ng Cison at pinatay sila roon.
Job 34:19Hindi nagpapakita ang Diyos ng pagtatangi sa mga pinuno at hindi niya kinikilala ang mayayaman kaysa sa mahirap, dahil silang lahat ay ginawa ng kaniyang kamay.
Zephaniah 1:6Gayundin ang gagawin ko sa mga tumalikod sa pagsunod kay Yahweh, maging ang mga hindi naghahanap kay Yahweh, ni humihingi ng kaniyang patnubay.”