Exodus 12:29
Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
28Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
Cross References
Genesis 15:14Hahatulan ko ang bansang iyon na paglilingkuran nila, at pagkatapos sila ay lalabas na may saganang mga ari-arian.
Exodus 9:6Ito ang ginawa ni Yahweh sa sumunod na araw: namatay ang lahat ng mga baka sa Ehipto. Pero wala ni isa sa mga hayop ng mga Israelita ang namatay, wala ni isang hayop.
Exodus 11:4Sinabi ni Moises. “Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi.
Exodus 13:15Nang nagmamatigas na tinanggihan ng Paraon ang pagpapaalis sa amin, pinatay ni Yahweh ang lahat ng mga panganay sa buong lupain ng Ehipto, kapwa panganay na anak ng mga tao at ang panganay na anak ng mga hayop. Kung kaya bakit ako nag-aalay kay Yahweh ng mga panganay ng bawat hayop, at kung kaya bakit ko binibili pabalik ang aking mga panganay na lalaki.'
Numbers 8:17Sa akin ang lahat ng panganay mula sa mga tao ng Israel, kapwa mga tao at mga hayop. Sa araw na kinuha ko ang mga buhay ng lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, inilaan ko sila para sa aking sarili.
Job 34:20Sa isang sandali sila ay namatay; sa hating-gabi mayayanig ang mga tao at mamamatay; ang mga taong malalakas ay kukunin, pero hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao.