2 Chronicles 16:1
Sa ikatatlumpu't anim na taon ng paghahari ni Asa, agrisibong kumilos si Baasa na hari ng Israel laban sa Juda at itinayo ang Rama upang walang sinumang makalabas o makapasok sa lupain ni Asa na hari ng Juda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 12:27Kung aakyat ang bayang ito para mag-alay ng mga handog sa templo ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon, ang puso ng mga taong ito ay manunumbalik muli sa kanilang panginoon, kay Rehoboam hari ng Juda. Papatayin nila ako at babalik sila kay Rehoboam hari ng Juda.”
2 Chronicles 11:13Pumunta sa kaniya ang mga pari at ang mga Levitang nasa buong Israel na mula sa loob ng kanilang hangganan.
2 Chronicles 15:9Tinipon niya ang lahat ng mga taga-Juda at Benjamin at ang mga naninirahang kasama nila, mga taong nagmula kay Efraim at Manases at Simeon. Sapagkat nang makita nila na kasama niya si Yahweh na kaniyang Diyos, napakarami nilang pumunta sa kaniya na nagmula sa Israel.
Jeremiah 40:1Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh pagkatapos siyang ipinadala mula sa Rama ni Nebuzaradan, na kapitan ng tagapagbantay ng hari. Na kung saan nadala na roon si Jeremias, at kung saan ginapos siya ng mga kadena. Kasama niya ang mga bihag sa Jerusalem at sa Juda na ipapatapon sa Babilonia.