2 Chronicles 16:3
“Magkaroon tayo ng kasunduan, gaya ng aking ama at ng iyong ama. Tingnan mo, pinadalhan kita ng pilak at ginto. Putulin mo na ang iyong kasunduan kay Baasha na hari ng Israel, upang ako ay lubayan niya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:21Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ang ginawa ng mga taong ito sa iyo, na dinala mo ang ganyang dakilang kasalanan sa kanila?”
Judges 2:2Hindi kayo dapat gumawa ng kasunduan sa mga naninirahan sa lupaing ito. Dapat ninyong wasakin ang kanilang mga altar.' Subalit hindi kayo nakinig sa aking tinig. Ano itong ginawa ninyo?
2 Chronicles 18:3Sinabi ni Ahab, na hari ng Israel, kay Jehoshafat, na hari ng Juda, “Sasama ka ba sa akin sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat sa kaniya, “Ako ay gaya mo at ang aking mga tao ay gaya ng iyong mga tao, sasamahan namin kayo sa digmaan.”
Psalms 15:4Ang taong walang halaga ay kasuklam-suklam sa kaniyang paningin, pero pinararangalan niya ang lahat ng may takot kay Yahweh. Sumusumpa siya sa kaniyang sariling kakulangan at hindi tumatalikod sa kaniyang mga pangako.
Ezekiel 17:18Sapagkat hinamak ng hari ang kaniyang panunumpa sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa kasunduan. Tingnan mo, iniabot niya ang kaniyang kamay upang mangako, subalit ginawa niya ang lahat ng mga bagay na ito. Hindi siya makatatakas.
2 Corinthians 6:16At anong kasunduan mayroon sa pagitan ng templo ng Diyos at sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo ang templo ng buhay na Diyos, katulad ng sinabi ng Diyos: “Ako ay mananahan sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ay magiging bayan ko.”