2 Chronicles 16:4
Pinakinggan ni Ben-hadad si Haring Asa at ipinadala niya ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga lungsod ng Israel. Sinalakay nila ang Ijon, Dan at Abelmain at ang imbakang lungsod ng Neftali.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 14:14Ngayon nang marinig ni Abram na nabihag ng mga kaaway ang kaniyang kamag-anak, pinangunahan niya ang kaniyang tatlong daan at labing walong sinanay na tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, at tinugis niya sila hanggang sa Dan.
Judges 18:28Wala ni isang naligtas sa kanila dahil malayo pa ito mula sa Sidon, at hindi sila nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa kaninuman. Nasa lambak ito malapit sa Beth-Rehob. Ipinatayong muli ng mga Daneo ang lungsod at nanirahan doon.
1 Kings 9:19at sa lahat ng mga imbakang lungsod na pag-aari niya, at mga lungsod para sa kaniyang mga karwahe at mga lungsod para sa kaniyang mangangabayo, at anumang mga hinangad niyang itayo para sa kanyang kasiyahan sa Jerusalem, sa Lebanon, at sa lahat ng mga lupain na nasa ilalim ng kaniyang pamumuno.
2 Kings 16:9Pagkatapos pinakinggan siya ng hari ng Asiria, at dumating ang hari ng Asiria laban sa Damasco, sinakop ito at ibinilanggo ang kanilang mamamayan sa Kir. Pinaslang din niya si Rezin ang hari ng Aram.
2 Chronicles 17:12Naging labis na makapangyarihan si Jehoshafat. Nagpatayo siya ng mga matibay na tanggulan at imbakang lungsod sa Juda.
2 Peter 2:15Kanilang iniwan ang tamang daan. Naligaw sila at sinunod ang daan ni Balaam na anak ni Beor na nagnais na tumanggap ng kabayaran sa kawalang-katuwiran.