2 Chronicles 17:3
Kasama ni Jehoshafat si Yahweh dahil lumakad siya sa unang kaparaanan ng kaniyang ama na si David at hindi siya bumaling sa mga Baal.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 39:21Ngunit si Yahweh ay kasama ni Jose at siya ay nagpakita katapatan sa tipan sa kanya. Siya ay binigyan niya ng kagandahang-loob sa paningin ng bantay ng kulungan.
Exodus 4:12Kaya ngayon lumakad ka at kasama mo ako sa iyong pananalita at tuturuan kita kung ano ang sasabihin.”
Joshua 1:9Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
Judges 2:18Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila.
Judges 8:33At nangyari na pagkamatay na pagkamatay ni Gideon ang mga tao ng Israel ay tumalikod muli at ipinagbili ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga Baal. Ginawa nilang diyos si Baal Berith.
1 Samuel 18:12Natakot si Saul kay David, dahil kasama niya si Yahweh, ngunit hindi na kasama ni Saul.