Mga Hukom 2:18
Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:6Nalungkot si Yahweh na ginawa niya ang sangkatauhan sa mundo, at ito ay nagdulot ng dalamhati sa kanyang puso.
Exodus 3:12Sumagot ang Diyos, “Ako ay tiyak na makakasama mo. Ito ang magiging palatandaan na pinadala kita. Kapag nailabas mo ang bayan mula sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito.”
Deuteronomy 32:36Dahil si Yahweh ang magpapasya para sa kaniyang mga tao, at kakaawaan niya ang kaniyang mga lingkod. Makikita niya na ang kanilang kapangyarihan ay nawala, at wala ni isang matitira, kahit mga alipin o malayang mga tao.
Judges 3:9Nang ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh, nagtalaga si Yahweh ng isang tao para tulungan ang bayan ng Israel, at siyang sasagip sa kanila: Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz (Nakababatang kapatid na lalaki ni Caleb).
Judges 6:16Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ako ay sasama sa iyo, at iyong matatalo ang buong hukbo ng Midianita.”
Judges 11:32Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay.