2 Chronicles 18:10
Si Zedekias na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at sinabi, “Sinabi ni Yahweh ito: 'Sa pamamagitan nito itutulak mo ang mga taga-Aram hanggang sa sila ay maubos.'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 23:21Hindi ko ipinadala ang mga propetang ito. Lumitaw lamang sila. Hindi ako nagpahayag ng anumang bagay sa kanila, ngunit patuloy silang nagpapahayag,
Jeremiah 23:31Tingnan, hindi ako sang-ayon sa mga propeta—ito ang pahayag ni Yahweh—na gumagamit ng kanilang mga dila upang magpahayag ng mga babala.
Jeremiah 28:2Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Binali ko ang pamatok na ipinataw ng hari ng Babilonia.
Jeremiah 29:21Akong si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsabi nito tungkol kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maasias, na nagpahayag ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: Tingnan ninyo, ibibigay ko sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Papatayin niya sila sa inyong harapan.
Ezekiel 22:28At pinintahan pa siya ng kaniyang mga propeta gamit ang apog na pampinta; mga huwad ang kanilang mga pangitain at kasinungalingan ang kanilang mga ipinapahayag sa kanila, ang sinasabi nila “ Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh” kahit hindi naman nagsalita si Yahwehi!
2 Timothy 3:8Sa ganoon ding paraan na tulad ni Janes at Jambres na sumalungat kay Moises. Sa paraang ito ang mga bulaang tagapagturo ay sumalungat din sa katototohanan. Sila ang mga kalalakihan na nasira ang kaisipan, hindi sang-ayon sa pananampalataya.