2 Chronicles 19:3
Gayon pa man, may ilang mabuting makikita sa iyo, iyon ay ang pagtanggal mo ng mga imahen ni Ashera palabas sa lupain, at itinakda mo ang iyong puso na hanapin ang Diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 14:13Ipagluluksa siya ng buong Israel at siya ay ililibing. Siya lamang ang tanging mula sa pamilya ni Jeroboam ang mapupunta sa isang libingan, dahil sa kaniya lamang, mula sa sambahayan ni Jeroboam, ay may mabubuting bagay na natagpuan sa paningin ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
2 Chronicles 12:12Nang magpakumbaba si Rehoboam, nawala ang poot ni Yaweh sa kaniya, at hindi na niya pinuksa si Rehoboam nang lubusan; bukod dito may matatagpuan paring mabuti sa Juda.
2 Chronicles 15:12Gumawa sila ng kasunduan na hahanapin nila nang buong puso at kaluluwa si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
2 Chronicles 17:3Kasama ni Jehoshafat si Yahweh dahil lumakad siya sa unang kaparaanan ng kaniyang ama na si David at hindi siya bumaling sa mga Baal.
2 Chronicles 22:9Hinanap ni Jehu si Ahazias; nahuli nilang nagtatago siya sa Samaria, dinala siya kay Jehu at siya ay pinatay. At siya ay kanilang inilibing, dahil sinabi nila, “Siya ay anak ni Jehoshafat, na buong pusong sumunod kay Yahweh.” Kaya ang sambahayan ni Ahazias ay wala nang kapangyarihan upang mamuno sa kaharian.
2 Chronicles 30:19na nagtakda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, na si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit na hindi siya malinis ayon sa pamantayan ng paglilinis ng banal na lugar.”