2 Chronicles 20:6
Sinabi niya, “Yahweh, ang Diyos ng aming mga ninuno, hindi ba ikaw ang Diyos ng kalangitan? At hindi ba ikaw ang namumuno sa lahat ng kaharian ng mga bansa? Ang kapangyarihan at kalakasan ay nasa iyong kamay, kaya walang sinuman ang makakatalo sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:15Sinabi rin ng Diyos kay Moises, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.'
Joshua 2:11Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
1 Kings 8:30Kaya makinig ka sa hiling ng iyong lingkod at ng iyong bayan ng Israel kapag nanalangin kami sa lugar na ito. Oo, makinig ka mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa mga kalangitan; at kapag ika'y nakinig, ikaw ay magpatawad.
1 Chronicles 29:12Nagmula sa iyo ang kayamanan at karangalan, at namumuno ka sa lahat ng mga tao. Nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan. Taglay mo ang lakas at kalakasan na gawing dakila ang mga tao at magbigay ng lakas sa sinuman.
2 Chronicles 5:14Ang mga pari ay hindi makatayo sa loob upang maglingkod dahil sa ulap, sapagkat pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang kaniyang tahanan.
Job 9:4Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? —