2 Chronicles 20:7
Aming Diyos, hindi ba ikaw ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito bago ang bayan mong Israel upang ibigay ito magpakailanman sa mga kaapu-apuhan ni Abraham?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Nanirahan sila dito at ipinagpatayo ka ng isang banal na lugar para sa iyong ngalan, nagsasabi,
Cross References
Genesis 13:15Lahat ng lupaing ito na nakikita mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman.
Exodus 6:7Dadalhin ko kayo sa aking sarili bilang aking bayan, at ako ay inyong magiging Diyos. Malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto.
Exodus 20:2“Ako ay si Yahweh, inyong Diyos, ang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa labas ng bahay ng pagkaalipin.
Deuteronomy 4:38para mapapaalis kayo mula sa harapan ng mga bansa na mas malaki at mas malakas kaysa sa inyo, para dalhin kayo, para ibigay sa inyo ang kanilang lupain bilang isang pamana, gaya sa araw na ito.
Joshua 23:9Dahil pinaalis ni Yahweh sa harap ninyo ang malaki, malakas na mga bansa. Para sa inyo, walang isa man ang nakatayo sa harapan ninyo hanggang sa kasalukuyan.
Joshua 24:13Binigyan ko kayo ng lupain na hindi ninyo pinagtrabahuhan at mga lungsod na hindi ninyo itinayo, at ngayon kayo ay naninirahan sa mga ito. Kinakain ninyo ang mga bunga ng mga ubasan at mga halamanang olibo na hindi ninyo itinanim.'