The Bible Software
bible.software2 Chronicles2 Chronicles 21 › 2 Chronicles 21:11

2 Chronicles 21:11

Dagdag pa nito, nagtayo rin si Jehoram ng mga dambana sa mga bundok ng Juda; Pinakilos niya ang mga naninirahan sa Jerusalem na tulad ng isang nagbebenta ng aliw. Sa ganitong paraan, iniligaw niya ang Juda.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Moreover he made high places in the mountains of Judah, and caused the inhabitants of Jerusalem to commit fornication, and compelled Judah thereto.

In Context

10Kaya nagrebelde ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda hanggang sa araw na ito. Sumabay ding naghimagsik ang Libna mula sa kaniyang kapangyarihan, dahil si Jehoram ay tumalikod kay Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.

12Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda,

Read all of 2 Chronicles 21

Cross References

Exodus 34:16Kahit kunin ninyo ang ilan sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, at ang kaniyang mga anak na babae ay gawing bayaran ang kanilang sarili sa kanilang mga diyos, at ang inyong mga anak na lalaki ay gagawin nilang bayaran ang kanilang sarili para sa kanilang diyos.

Leviticus 20:5sa gayon ako mismo ang haharap laban sa taong iyon at sa kanyang angkan, at tatanggalin ko siya at bawat isa pang gagamitin sa masama ang kanyang sarili para gumanap bilang isang babaeng bayaran kay Molec.

Deuteronomy 31:16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, matutulog ka kasama ang iyong mga ama; babangon itong mga lahi at kikilos katulad ng mga bayarang babae na sumusunod sa masamanag mga diyus-diyosan ng lupain, ang lupain na kanilang pupuntahan para maging kasamahan nila. Iiwanan nila ako at sisirain ang kasunduang ginawa ko kasama sila.

1 Kings 14:9Sa halip, ginawa mo ang kasamaan, higit sa lahat ng nauna sa iyo. Gumawa ka ng ibang mga diyos, at hinulmang mga imaheng bakal para galitin ako, at sinaksak mo ako sa aking likuran.

2 Kings 9:22Nang nakita ni Joram si Jehu, sinabi niya, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan, Jehu?” Sumagot siya, “Anong kapayapaan ang naroroon, kung napakaraming pagsamba sa diyus-diyusan na mayroong prostitusyon at pangkukulam ng iyong inang si Jezabel?”

2 Chronicles 21:13sa halip ay lumakad ka sa kaparaanan ng mga hari ng Israel, at nagdulot sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem upang kumilos na gaya ng nagbebenta ng aliw, na tulad ng ginawa ng tahanan ni Ahab, at dahil pinatay mo rin gamit ng tabak ang iyong mga lalaking kapatid sa pamilya ng iyong ama, ang mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyong sarili,

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Chronicles 21:11

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Chronicles 21:102 Chronicles 212 Chronicles 21:12 →