2 Chronicles 21:17
Sinalakay nila ang Juda, nilusob ito at kinuha ang lahat ng kayamanan na natagpuan sa sambahayan ng hari. Kinuha rin nila ang kaniyang mga anak na lalaki at ang kaniyang mga asawa. Walang naiwan na lalaking anak sa kaniya maliban kay Ahazias, ang kaniyang bunsong anak.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 22:6Si Joram ay bumalik sa Jezreel upang magamot ang kaniyang mga sugat na kaniyang nakuha sa Ramah, nang lumaban siya kay Hazael na hari ng Aram. Kaya si Ahazias na lalaking anak ni Jehoram na hari ng Juda ay bumaba sa Jezreel upang makita si Joram na lalaking anak ni Ahab, dahil si Joram ay sugatan.
2 Chronicles 25:23Binihag ni Joas na hari ng Israel si Amazias na hari ng Juda na anak ni Joas, na anak ni Ahazias, sa Beth-Semes. Siya ay dinala niya sa Jerusalem at giniba ang pader ng Jerusalem mula sa Tarangkahan ng Efraim hanggang sa Tarangkahan sa Sulok, apatnaraang kubit ang layo.
Amos 1:6Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Dahil sa tatlong kasalanan ng Gaza, o kahit na apat pa, hindi ko babawiin ang kaparusahan, dahil kinuha nilang bihag ang lahat ng mga tao upang ipasakamay sila sa Edom.