2 Chronicles 21:16
Inudyukan ni Yahweh ang mga espiritu ng mga Filisteo at ng mga Arabo na malapit sa Etiopia upang labanan si Jehoram.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 26:19Samakatuwid ngayon, nagmakaawa ako sa iyo, hayaang pakinggan ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kanyang lingkod. Kung si Yahweh na nag-udyok sa iyo laban sa akin, hayaan siyang tumanggap ng isang handog; ngunit kung mga tao ito, nawa'y isumpa sila sa paningin ni Yahweh, dahil sa araw na ito inilayo nila ako, na hindi dapat ako kumapit sa pamana ni Yahweh, na kanilang sinabi sa akin, “Sumamba ka sa ibang mga diyos.”
1 Kings 11:11Kaya sinabi ni Yahweh kay Solomon, “Dahil nagawa mo ito at hindi mo sinunod ang aking tipan at aking mga alituntunin na inutos ko sa iyo, tiyak na pipilasin ko ang kaharian mula sa iyo at ibibigay ko ito sa iyong lingkod.
1 Kings 11:23Nagtayo muli ang Diyos ng isa pang katunggali kay Solomon, si Rezon na anak na lalaki ni Eliada, na tumakas mula sa kaniyang panginoon na si Hadadezer, hari ng Zoba.
2 Chronicles 22:1Hinirang ng mga naninirahan sa Jerusalem si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram bilang hari kapalit niya; sapagkat pinatay ng pangkat ng mga kalalakihang dumating sa kampo na kasama ng mga Arabo ang kaniyang mga nakatatandang anak na lalaki. Kaya naging hari si Ahazias na anak ni Jehoram na hari ng Juda.
2 Chronicles 33:11Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
Ezra 1:5Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ng Juda at Benjamin, mga pari at mga Levita, at bawa't isa na ang espiritu ay ginising ng Diyos na pumunta at magtayo ng kaniyang tahanan ay tumayo.