2 Chronicles 21:20
Nagsimula siyang maghari nang siya ay tatlumpu't dalawang taong gulang; naghari siya sa Jerusalem ng walong taon at namatay siya nang walang nagdalamhati. Siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 24:25Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
2 Chronicles 28:27Namatay si Ahaz at siya ay kanilang inilibing sa lungsod sa Jerusalem, ngunit siya ay hindi nila dinala sa mga libingan ng mga hari ng Israel. Si Ezequias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Proverbs 10:7Ang taong gumagawa ng tama ay natutuwa tuwing siya ay ating naiisip ang tungkol sa kaniya, ngunit ang pangalan ng masama ay mabubulok.
Jeremiah 22:28Ito ba ay hamak at basag na sisidlan? Ito bang lalaking si Jehoiakin ay isang palayok na walang magkakagusto? Bakit kailangan siyang itapon palabas at ang kaniyang mga kaapu-apuhan, at ibuhos sila sa lupaing hindi nila alam?