2 Chronicles 24:25
Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 12:20Nag-alsa at sama-samang nagplano ang kaniyang mga lingkod; nilusob nila si Joas sa tahanan sa Millo, sa daan papunta ng Sila.
2 Chronicles 21:16Inudyukan ni Yahweh ang mga espiritu ng mga Filisteo at ng mga Arabo na malapit sa Etiopia upang labanan si Jehoram.
2 Chronicles 21:19At nangyari na sa takdang panahon, pagkalipas ng dalawang taon, ang kaniyang bituka ay lumabas dahil sa kaniyang sakit at namatay siya dahil sa malubhang karamdaman. Ang kaniyang mga tao ay hindi nagsunog bilang parangal sa kaniya gaya ng kanilang ginawa para sa kaniyang mga ninuno.
2 Chronicles 22:6Si Joram ay bumalik sa Jezreel upang magamot ang kaniyang mga sugat na kaniyang nakuha sa Ramah, nang lumaban siya kay Hazael na hari ng Aram. Kaya si Ahazias na lalaking anak ni Jehoram na hari ng Juda ay bumaba sa Jezreel upang makita si Joram na lalaking anak ni Ahab, dahil si Joram ay sugatan.
2 Chronicles 24:16Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David kasama ng mga hari, dahil mabuti ang ginawa niya sa Israel, sa Diyos, at sa tahanan ng Diyos.
2 Chronicles 25:3At nangyari, nang ganap na matatag ang kaniyang pamumuno, pinatay niya ang mga lingkod na pumatay sa kaniyang ama na hari.