2 Chronicles 23:3
Nakipagkasundo ang buong kapulungan sa hari sa tahanan ng Diyos. Sinabi ni Joiada sa kanila,” Tingnan ninyo, maghahari ang anak ng hari, gaya ng sinabi ni Yahweh tungkol sa mga kaapu-apuhan ni David.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 5:3Kaya dumating ang lahat na nakatatanda ng Israel sa hari ng Hebron, at gumawa si Haring David ng isang kasunduan sa kanila sa harapan ni Yahweh. Hinirang nila si David na maging hari ng buong Israel.
2 Samuel 7:16Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman.”'
1 Kings 9:5itatatag ko ang trono ng iyong kaharian sa buong Israel magpakailanman, gaya nang ipinangako ko sa iyong amang si David, na sinasabing, 'Isa sa iyong lahi ay hindi kailaman mabibigong lumuklok sa trono ng Israel.'
1 Chronicles 9:9Ang bilang ng kanilang kamag-anak na nakasulat sa listahan ng talaan ng mga angkan ay 956. Ang lahat ng mga kalalakihang ito ay pinuno sa angkan ng kanilang ninuno.
2 Chronicles 6:16Kaya ngayon, Yahweh, Diyos ng Israel, tuparin mo ang pangako mo sa iyong lingkod na si David na aking ama, noong sinabi niya, 'Hindi ka magkukulang na magkaroon ng lalaki sa aking paningin na uupo sa trono ng Israel, kung magiging maingat lang ang iyong mga kaapu-apuhan na sumunod sa aking kautusan, tulad ng pagsunod mo sa akin.'
2 Chronicles 21:7Gayunman, ayaw ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David, dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David; siya ay nangako na lagi siyang bibigyan ng buhay at ang kaniyang mga kaapu-apuhan.