2 Chronicles 21:7
Gayunman, ayaw ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David, dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David; siya ay nangako na lagi siyang bibigyan ng buhay at ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 21:17Pero iniligtas si David ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias, sinalakay ang Filisteo, at pinatay siya. Pagkatapos sumumpa ang kalalakihan ni David, sinabing, “Hindi kana dapat pumunta sa digmaan kasama namin, para hindi mo mapatay ang lampara ng Israel.”
1 Kings 11:13Gayon man, hindi ko sisirain ang buong kaharian; Ibibigay ko ang isang lipi sa iyong anak alang-alang sa aking lingkod na si David, at para sa kapakanan ng Jerusalem, na aking pinili.”
2 Kings 8:19Gayunman, dahil sa kaniyang lingkod na si David, hindi nais ni Yahweh na wasakin ang Juda, dahil sinabi niya sa kaniya na bibigyan siya lagi ng mga kaapu-apuhan.
2 Chronicles 22:11Ngunit si Jehosabet, isang babaeng anak ng hari ay kinuha si Joas, isang lalaking anak ni Ahazias, at matapang niyang tinakas mula sa mga anak ng hari na pinatay. Inilagay siya sa isang silid kasama ang kaniyang tagapag-alaga. Kaya itinago siya ni Jehosabet, isang babaeng anak ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada (sapagkat siya ay kapatid ni Ahazias), mula kay Atalia, kaya hindi siya napatay ni Atalia.
Psalms 89:39Tinalikuran mo ang tipan ng iyong lingkod. Nilapastangan mo ang kaniyang korona sa lupa.
Psalms 132:17Doon palalakihin ko ang sungay ni David; inilagay ko ang lampara doon para sa hinirang ko.