2 Chronicles 24:14
Nang kanilang matapos, dinala nila ang natirang pera sa hari at kay Joiada. Ang perang ito ay ginamit sa paggawa ng muwebles para sa bahay ni Yahweh, mga kasangkapan sa paglilingkod at paghahandog, mga sandok at mga kasangkapang ginto at pilak. Patuloy silang nag-alay ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ni Joiada.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:38Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw.
1 Kings 7:50Ang mga saro, ang panggupit ng ilawan, mga mangkok, mga kutsara, at mga pansindi ng insenso ay nilikha mula sa purong ginto. Gayundin ang mga bisagra ng pinto ng panloob na silid, na siyang kabanal-banalang lugar, at ang mga pintuan ng pangunahing bulwagan ng templo ay gawa din sa ginto.
2 Kings 25:12Pero iniwan ng pinuno ng tanod ang ilan sa pinakamahihirap ng bayan para gumawa sa mga ubasan at mga bukirin.
1 Chronicles 23:31at sa tuwing iniaalay ang mga handog na susunugin kay Yahweh, sa Araw ng Pamamahinga at sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga araw ng pista. Ang saktong bilang na itinakda sa pamamagitan ng kautusan, ay kailangan na laging nasa harap ni Yahweh.
2 Chronicles 31:2Itinalaga ni Ezequias ang mga pari sa kanila mga pangkat at ang mga Levita at isinaayos ayon sa kanilang mga pangkat, itinalaga ang bawat isa sa kani-kaniyang gawain, ang mga pari at mga Levita. Itinalaga niya sila upang ihanda ang mga handog na susunugin at mga handog para sa pangkapayapaan, upang maglingkod, upang magbigay pasasalamat, at upang magpuri sa mga tarangkahan ng templo ni Yahweh.