2 Chronicles 31:2
Itinalaga ni Ezequias ang mga pari sa kanila mga pangkat at ang mga Levita at isinaayos ayon sa kanilang mga pangkat, itinalaga ang bawat isa sa kani-kaniyang gawain, ang mga pari at mga Levita. Itinalaga niya sila upang ihanda ang mga handog na susunugin at mga handog para sa pangkapayapaan, upang maglingkod, upang magbigay pasasalamat, at upang magpuri sa mga tarangkahan ng templo ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 16:4Nagtalaga si David ng ilang Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ni Yahweh, at upang magdiwang, magpasalamat at magpuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
1 Chronicles 16:40Sila ay patuloy na maghahandog ng mga alay na susunugin para kay Yahweh sa altar para sa mga alay na susunugin umaga at gabi, bilang pagsunod sa lahat ng nasusulat sa kautusan ni Yahweh, na ibinigay niya sa Israel bilang kautusan.
1 Chronicles 23:6Hinati sila ni David sa pangkat na umayon sa mga anak na lalaki ni Levi: Gershon, Kohat at Merari.
1 Chronicles 24:1Ang mga pangkat ayon sa mga kaapu-apuhan ni Aaron ay ito: sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
1 Chronicles 25:1Si David at ang mga pinuno ng manggagawa ng tabernakulo ay pumili ng ilan sa mga anak nina Asaf, Heman at Jeduthun para sa ilang mga gawain na ito. Nagpahayag ng propesiya ang mga kalalakihang ito nang may arpa, mga instrumentong may kuwerdas at mga pompiyang. Ito ang listahan ng mga kalalakihang gumawa ng gawaing ito:
1 Chronicles 26:26Sina Selomit at ang kaniyang mga kamag-anak ang namamahala sa lahat ng mga bahay-imbakan kung saan nakatago ang mga bagay na pag-aari ni Yahweh, na inilaan ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, at ng mga pinuno ng mga hukbo kay Yahweh.