2 Chronicles 24:22
Sa paraang ito, pinagsawalang-bahala ni haring Joas ang kabaitan na ginawa sa kaniya ni Joiada, ang ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya ang anak ni Joiada. Nang si Zacarias ay naghihingalo, kaniyang sinabi, “Makita nawa ito ni Yahweh at papanagutin ka.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 9:5Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito.
Judges 8:35Hindi nila tinupad ang kanilang pangako sa bahay ni Jerub Baal (ang ibang pangalan ni Gideon), kapalit ng lahat ng kabutihan na ginawa niya sa Israel.
Psalms 10:14Binigyang pansin mo, dahil lagi mong nakikita ang gumagawa ng paghihirap at kalungkutan. Pinagkakatiwala ng ulila ang kaniyang sarili sa iyo; inililigtas mo ang mga walang ama.
Proverbs 17:13Kung ang isang tao ay nagbabalik ng masama para sa mabuti, hindi kailanman iiwan ng kasamaan ang kaniyang tahanan.
Jeremiah 26:14Tumingin kayo sa akin! Ako mismo ay nasa inyong mga kamay. Gawin ninyo sa akin kung ano ang mabuti at matuwid sa inyong mga mata.
Jeremiah 51:56Sapagkat dumating ang mga wawasak sa kaniya, wawasak sa Babilonia, at nahuli na ang kaniyang mga mandirigma. Ang kanilang mga pana ay nabali sapagkat si Yahweh ay ang Diyos ng paghihiganti, tiyak na gagawin niya ang pagbabayad na ito.