Genesis 9:5
Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Subalit hindi ninyo dapat kainin ang karneng may buhay pa—iyon ay ang dugo nito—na narito.
Cross References
Genesis 42:22Sinagot sila ni Reuben, “Hindi ba sinabi ko sa inyo, 'Huwag magkasala laban sa bata,' ngunit hindi kayo nakinig? Tingnan ninyo ngayon, ang kanyang dugo ay hinihingi sa atin.”
Exodus 21:12Sinumang manakit ng isang tao at ito ay namatay, ang taong iyon ay siguraduhing malalagay sa kamatayan.
Leviticus 19:16Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh.
Leviticus 24:21Sinuman ang pumatay ng isang hayop ay dapat itong bayaran, at sinuman ang pumatay ng isang tao ay dapat malagay sa kamatayan.
Numbers 35:17Kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang bato sa kanyang kamay na maaaring makapatay sa biktima, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
Numbers 35:21o kung hinampas siya sa galit gamit ang kaniyang kamay upang mamatay ang biktima, ang akusadong humampas sa kaniya ay tiyak na papatayin. Isang siyang mamamatay-tao. Ang kadugong tagapaghiganti ay maaaring patayin ang mamamatay-tao kapag siya ay makasalubong niya.