2 Mga Cronica 25:15
Kaya sumiklab ang galit ni Yahweh laban kay Amazias. Nagpadala siya ng isang propeta sa kaniya, na nagsabi, “Bakit mo sinamba ang mga diyos ng mga tao na hindi man lamang nakapagligtas ng sarili nitong mga tao laban sa iyong mga kamay?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 18:24Sinabi niya, “Ninakaw ninyo ang mga diyos na ginawa ko, kinuha ninyo ang aking pari at aalis kayo. Ano pa ang maiiwan sa akin? Bakit ninyo ako tinatanong, 'Ano ang gumugulo sa iyo?'”
2 Chronicles 16:7Sa panahong iyon, pumunta ang manghuhulang si Hanani kay Asa, ang hari ng Juda at sinabi sa kaniya, “Dahil umasa ka sa hari ng Aram at hindi ka umasa kay Yahweh na iyong Diyos, ang hukbo ng hari ng Aram ay nakatakas mula sa iyong mga kamay.
2 Chronicles 20:37At si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat; sinabi niya, “Dahil nakipagkasundo ka kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang inyong mga ginawa.” Winasak ang mga barko kaya hindi sila nakapaglayag.
2 Chronicles 24:20Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'”
2 Chronicles 25:11Tumapang si Amazias at pinangunahan ang kaniyang mga tao na pumunta sa lambak ng Asin. Doon niya tinalo ang sampung-libong mga lalaki ng Seir.
Psalms 115:4Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.