2 Mga Cronica 25:16
At nangyari na habang kinakausap siya ng propeta, sinabi sa kaniya ng hari, “Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? Tumigil ka. Bakit ka kailangan patayin?” At tumigil ang propeta at sinabi, “Alam kong nagpasya ang Diyos na wasakin ka dahil ginawa mo ito at hindi ka nakinig sa aking payo.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 9:16Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan.
Deuteronomy 2:30Pero si Sihon, ang hari ng Hesbon, ay hindi kami hinayaang makalagpas sa kaniya; dahil si Yahweh na inyong Diyos ay pinatigas ang kaniyang isipan at ginawang matigas ang kaniyang puso, na maaari niyang matalo sila sa pamamagitan ng inyong lakas, na ginawa niya sa araw na ito.
2 Chronicles 16:10Pagkatapos, nagalit si Asa sa propeta; ikinulong niya ito, sapagkat nagalit siya sa kaniya sa mga bagay na ito. Sa araw na iyon, pinahirapan ni Asa ang ilan sa mga tao.
2 Chronicles 18:25Sinabi ng hari ng Israel sa ilang utusan, “Kayong mga tao, hulihin ninyo si Micaias at dalhin kay Ammon, na gobernador ng lungsod, at kay Joas na aking anak.
2 Chronicles 24:21Ngunit nagsabuwatan sila laban sa kaniya at sa utos ng hari, siya ay binato nila ng mga bato sa patyo ng tahanan ni Yahweh.
Proverbs 1:30hindi nila susundin ang aking tagubilin, at kanilang kinamuhian ang aking mga pagtatama.