2 Chronicles 25:27
Ngayon, mula sa panahon na tumalikod si Amazias sa pagsunod kay Yahweh, sinimulan nilang gumawa ng sabuwatan laban sa kaniya sa Jerusalem. Tumakas siya patungong Laquis, ngunit nagpadala sila ng mga tao na susunod sa kaniya sa Laquis at pinatay siya doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 10:31Pagkatapos dumaan si Josue at ang buong Israel mula sa Libna patungong Lachish. Nagkampo siya dito at nakipagdigmaan laban dito.
2 Kings 14:19Nagsabwatan sila laban kay Amasias sa Jerusalem, at tumakas siya papuntang Laquis. Tumakas siya sa Laquis, pero nagpadala sila ng mga tauhan sa Laquis at pinatay siya roon.
2 Chronicles 15:2Umalis siya upang makipagkita kay Asa at sinabi sa kaniya, “Makinig ka sa akin Asa at ang lahat ng mga tao sa tribu nina Juda at Benjamin. Kasama ninyo si Yahweh habang kayo ay nasa kaniya. Kung siya ay inyong hahanapin, matatagpuan ninyo siya. Ngunit kung itatakwil ninyo siya, itatakwil rin niya kayo.
2 Chronicles 24:25Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.