2 Chronicles 25:5
Bukod dito, tinipon ni Amazias ang mga taga-Juda at itinala sila ayon sa mga bahay ng kanilang mga ninuno, sa ilalim ng mga pinuno ng hukbong libu-libo at mga pinuno ng hukbong daan-daan, ang lahat ng taga-Juda at taga-Benjamin. Sila ay binilang niya mula dalawampung taong gulang at pataas at may 300, 000 na piling lalaki na may kakayahang sumabak sa digmaan, at may kakayahang humawak ng sibat at panangga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 18:25Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo.
1 Samuel 8:12Hihirang siya para sa kanyang sarili ng mga kapitan ng libu-libong sundalo, at mga kapitan ng limampung sundalo. Pagbubungkalin niya ang ilan ng kanyang lupa, gagapas ang ilan ng kanyang ani, at ang ilan ay gagawa ng kanyang mga sandata para sa digmaan at mga kagamitan para sa kanyang mga karo.
1 Chronicles 27:1Ito ang talaan ng mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita, mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, gayun din ang mga pinuno ng hukbo na naglilingkod sa hari sa iba't ibang paraan. Bawat pangkat ng mga hukbo ay naglilingkod sa bawat buwan sa buong taon. Sa bawat pangkat ay mayroong 24, 000 na mga kalalakihan.
2 Chronicles 14:7Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, “Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako.” Kaya nagtayo sila at nagtagumpay.
2 Chronicles 17:14Ito ang listahan ng lahat sa kanila, ayon sa pangalan ng sambahayan ng kanilang ama: Mula sa Juda, ang mga pinuno ng libo; si Adna ang pinunong kawal at kasama niya ang 300, 000 na lalaking panglaban;