2 Chronicles 14:7
Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, “Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako.” Kaya nagtayo sila at nagtagumpay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 23:1At pagkatapos ng maraming araw, nang mabigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila, napakatanda na ni Josue.
1 Chronicles 28:9At ikaw naman Solomon na aking anak, sundin mo ang Diyos ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng buong puso at may isang espiritu na may pagkukusa. Gawin ito sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang lahat ng puso at nauunawaan ang bawat pag-uudyok ng kaisipan ng bawat isa. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya, ngunit kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakilanman.
2 Chronicles 14:4Inutusan niya ang mga taga-Juda na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno at tuparin ang kaniyang batas at mga kautusan.
2 Chronicles 17:13Nagkaroon siya ng maraming kagamitan sa mga lungsod ng Juda at mga kawal—malalakas, matatapang na mga lalaki—sa Jerusalem.
2 Chronicles 25:5Bukod dito, tinipon ni Amazias ang mga taga-Juda at itinala sila ayon sa mga bahay ng kanilang mga ninuno, sa ilalim ng mga pinuno ng hukbong libu-libo at mga pinuno ng hukbong daan-daan, ang lahat ng taga-Juda at taga-Benjamin. Sila ay binilang niya mula dalawampung taong gulang at pataas at may 300, 000 na piling lalaki na may kakayahang sumabak sa digmaan, at may kakayahang humawak ng sibat at panangga.
2 Chronicles 32:5Nagkaroon si Ezequias ng lakas ng loob at itinayo ang lahat ng mga pader na nasira; pinataas niya ang mga ito hanggang sa mga tore, gayon din ang iba pang mga pader na nasa labas. Pinatibay din niya ang Millo sa lungsod ni David, at gumawa siya ng maraming bilang ng mga sandata at mga kalasag.